Tuesday, April 7, 2009
Rally time
Sa wakas! Nai-raos ko din ang Communication II paper ko! Isang buong gabi rin ako hindi natulog dahil doon. Choice ko rin naman iyon. Late na kasi ako nakauwi kagabi. 9pm na. Election ng officers kasi ng UP-One Earth. Sa isip-isip ko, kailangan ko umattend sa election of officers kung gusto ko magpaka-aktibo sa organisasyon. Isa ang UP-One Earth sa mga org na gusto ko rin talaga karerin. Mainit kasi ang usapin sa mga paksang pangkalikasan ngayon. Kung may mga pagkilos man para sa ikabubuti ng kalikasan, nais kong maging parte noon. Para naman magka-utang na loob sakin ang mga apo ko sa hinaharap. Yung tipong, pag may nakita silang agila sa kagubatan, masasabi nila sa kanilang mga kasama na kung hindi dahil sa lolo ko, wala na tayong makikita pang agila.
Nasa usaping apo na rin naman tayo, pag-usapan natin ang pinsan ng magiging apo ko - ang pamangkin ko. Sobrang likot ng pamangkin ko! Yung napapanood sa TV na sobrang angelic ng mga bata at parang hindi sila nagdudulot ng kapagalan sa mga nag-aalaga sa kanila ay parang isang malaking biro sa realidad. Parang pagkatapos ng commercial na iyon, kailangan sundan ng JOKE JOKE JOKE para naman ma-gets ng mga nanunuod na isang kapraningan ang maniwala na ang lahat ng bata ay cute at masunurin. Kasalanan ni Santino!
Pero siyempre paglalabis lang ang mga nabanggit ko kanina. Wala na kasing ibang tao dito sa bahay kung hindi ako kaya ako ang nag-aalaga sa pamangkin ko. Sobrang nakaka-stress! Iyon ang hindi pagmamalabis. Talagang makulit lang siya!
Oo nga pala. Kaya Rally time ang pamagat ng blog entry na ito ay dahil gusto ko talakayin ang ginawang pagkilos ng mga militanteng grupo sa Welcome Rotonda kanina. Pero tulad ng mga blog entry ko, mauuna muna yung mga walang kinalaman sa paksa tulad ng kalikasan, apo at pamangkin. Nagdulot lang sila ng trapiko pa-Espana. Trapik na nga doon noon pa, bumara pa sila lalo at hindi holiday ngayon! kahapon ang holiday at imbes na magtrabaho para may mailagay na pagkain sa mesa ay nasa lansangan sila, parang nanlilimos pero may mikropono. Pero, baka nga naman wala silang trabaho at iyon ang hinihingi nila. Ang dating nga lang, pulubi pa rin. Ang isa ko pang teorya ay baka mga propesyonal na militante sila, yung tipong may talent fee. Pre-paid ang kanilang pagkilos at bahala na ang direktor sa props.
Ang problema naman kung tunay ang kanilang pagkilos, baka naman wala akong paki sa mga ipinaglalaban nila. Pero hindi ko rin talaga masabi kasi hindi ako nakinig.

Subscribe to:
Post Comments (Atom)
0 comments:
Post a Comment