Thursday, April 2, 2009

Umaalis din yung mga tao

Siyempre, bago ko ayusin ang paper ko sa subject kong Communications II, magboblog muna ako.

Kagagaling ko lang sa isang party para sa kaibigang maninirahan na sa Canada. Kakaiba ang pakiramdam ko ngayon. Sa April 8, 2009 pa naman ang flight niya pero nung magdilim na ang araw na ito, naramdaman ko na parang nagmamadali ang mundong mag-April 8. Parang may appointment! Ano nga ba ang magagawa ko, umaalis din yung mga tao. Hindi ito ang unang pagkakataon na pumunta sa kabilang dako ng mundo ang mga taong malapit sa aking puso. Kahit ako, hindi man ako nag-migrate sa kung anumang bansa ay nagkaroon din ng mga pagkakataong napapa-tangis ko ang mga tao sa aking paglisan.

Dumadaan lang ang mga tao sa buhay natin para magpakilala at umalis. Minsan may ibinibigay sila, minsan may hindi sinasadyang maiwan pero hindi sila mismo ang nananatili. Lahat sila kailangang umalis.

Naisip ko lang, sa mga naisulat ko sa itaas kanina, hindi kaya tinatago ko lang ang mga emosyong nabubuo sa akin sa pamamagitan ng pagbibigay kahulugan ng pag-alis ng isang tao?

Hindi kasi ako handa sa kung ano ang isusulat ko ngayon pero...

BAKA NGA.

0 comments:

Post a Comment